Alitaptap

Inaakit ng mundo na puno ng kalungkutan
Nananabik sa pagsuyo ng isang pagmamahalan
Mga tao’y sa dilim gumagalaw, umiindayog
Umuuwi nama’y lumong sa spirito at pakawalang alindog.
Pupungas pungas nang siya’y magising
Tulala at nililinga ang binibining nakahimbing
Isipay magulo at tila ito’y sasabog
Hudyat ng pag eskapo, umuwi at lumimot.
Samantala’y nakahimbing na dilag tuluyan ding nagising
Sa kwartong makasalanan binabaling ang tingin
Wala na ang pintakasi ng alak at sayaw
Naiwan ay ‘sang lugmok na dignidad na tila pumupusyaw.
Inaakit ng mundo na puno ng kasalanan
Mga sabik sa pagibig ngunit nag tatanga-tangahan
Binabaling ang isip sa liliw ng musika at liwanag
Na tila mga alitaptap sa mundo ng karuwagan.

Advertisements

Share your thoughts here

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s