When Sonny met Sunny

Nagsimula sa balitaktakang
nauwi din sa kapehan
na puno ng kwento
at mga kakulitan
Sa isang siopao na binili
at pilit na pinaghatian
dalawang buhay nagkatagpo
at binigkis ng pagkakaibigan
Di nga ba’t luha ng nakaraan
sa iyo lang sinabi
sa pangarap na inanod
yakap iyong ginanti

At sa kalungkutan mo nama’y
akin kitang sinamahan
kinantahan at pinatawa
na puno ng kaluguran
At sa mga awit ng pagibig
at ating kadramahan
di nga ba sabay din nating
kinakiligan at iniyakan
Sa tagumpay at dalamhati
ngiti at kasawian
nariyan ka at ako
at di nagiiwanan
Kaya nga’t sa ating
muling pagkikita
yakap na kay higpit
aking ipadarama
tandaan lang sa pagkain
ikaw ang sasagot
at kaibigan asan na
ang regalo mong sapatos?

BOW

Advertisements

Share your thoughts here

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s