Halika na bago mag-umaga

c/o chengboiser

Halika na’t pawiin
ang mga pighati,

Halika na’t lilingapin
ang natuyong pagibig,

Halika na’t lunurin
ang kalungkutang namayani,

Halika na’t iwanan
ang nasirang puso at pagkakamali.

Bagong taon, bagong buhay
yan ang syang nakapangako
mula sa kaitaasan
na laging nakayuko

Nakatingin sating mga gawain
at nakikinig sa mga pagsumo
tila isang inang nananabik
sa mga anak na lumayo

Kaya nga’t sa pagbungad
ng bukang liway-liway
ating buong tapang na harapin
ang bagong buhay na inalay

Lunukin ang kapalaluan,
at tuluyang magpaalon
humanda sa digmaan
na handog ng mundong mapaglaro.

 

Advertisements

Share your thoughts here

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s