Muling Pagpiring

Sa tagal at layo ng tinahak
sa dami ng paltos na ating nakuha,
hindi nga ba’t nakakapagod na
sa puso’y palaging pinaglalaban ka

Tama na bang huminto muna
mamaraptin mo ba sinta?
giliw bigyan mo sana ng pansin,
itong hinaing ng nagiisa mong alipin

Alipin na sa pagibig mo’y umaamot
ngunit ngayo’y nagdesisyon ng magmaramot,
nagnanais na munang tumikhim
ng ibang klaseng lasap at awitin

Awitin na may ibang kulay
at sa pusong uhaw magbibigay buhay,

O sadyang kapangahasan nga ba?
na sa iba nais makuha ang init at lambing

Lambing na ni minsan di mo maibigay
kayat nanatiling uhaw at puno ng lumbay,
ngunit kung iniisip mong pagmamahal sayo’y tuluyang namatay
mali ito mahal ko, pagka’t yaon ay pang habambuhay

Habambuhay man na kamalian at pagtataksil
taksil lamang sa sarili at puso kong hinahanap ka giliw,
ngunit intindihan na isipa’y di na kayang magtiis
at pangarapin ang pagibig mo na palagi namang mintis.

………………

courtesy of discoveryouritaly.com

Yaan na munang manahimik at magkunwari

isuot MULI ang balabal at maskara ng saya at pagpupunyagi,

ipikit ang mata at takpan ulit ang pandinig,

manatiling bulag at bingi sa tawag ng pagibig.

Advertisements

9 comments

      1. Hahaha! I know a friend na nagsusulat din ng songs pwede natin sigurong palagyan ng melody/tune pero di naman sya professional, so I can’t really help you on the selling aspect.

        1. hahah its fine po, I was just joking, although turning it into a song would be nice, now if only I know how to play an instrument. Mas masarap sigurong gumawa ng kanta kesa tumula may benefits pa raw sa graymatter ng brain natin ang pagtugtog 😉

Share your thoughts here

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s