Pagbibilang ng Araw

Nagkaiyakan sila kanina, kasi unti unti kaming nababawasan. Iba talaga pag ang isang pagkakaibigan ay nagkakaroon ng pagbabago sa buhay. Maraming umaalis dahil sa pangangailan, meron din namang lumalagay sa tahimik pero laging wala naman at meron din namang piniling lumayo.

Nagiiba na nga talaga ang buhay lalo na’t tumatanda na at naghahanap ng kasiguraduhan, makakasama at kaligayahan. Iba na talaga ang priority habang nagma mature na.

Namimiss ko ang tropa ko, noong high school na mga walang pakialam, noong kolehiyo na laging babae lang ang laman ng utak, sa una kong pinagtrabahuan na laging stress at nakayuko lang sa mesa, sa ikalawang kompanyang pinasukan ko kung saan ko naranasan maging bad boy, Naks! at ngayong cocktail ng mga matatalino pero sutil kong barkada na medyo may kabobohan sa larangan ng pagibig.

Paunti na kami ng paunti, at sa totoo lang ako’y nao- OP na kasi iniiwan nila ako dito sa pinas. Ang ibang naiwan naman puro may mga anak na. Mag-anak na rin kaya ako? sama ako sa club ng mga binatang ama, uso naman yan ngayon eh. Kidding aside, napapaisip talaga ako kanina habang pumapatak ang luha ng kaibigan ko, makikita ko pa kaya sya?, ano na kaya kami sa darating na presidential election?, mayaman na kaya si Paul?, may asawa na kaya si Shin? may tsikot na kaya si Shii? May nagmamahal na kaya sakin nun? At ang iba kong ka tropa, sino ang mananatili sa singlehood at sino ang makaka buntis?

Nabanggit ko to sa kanila kanina, hagalpak at turuan lang ang sinagot sakin, mga walang kwentang kausap eto ako at nagiisip at naghihintay na magka epiphany, puro asaran naman ang ginawa. Buhay nga naman maraming katanungan at walang kasiguraduhan, ngunit sa likod ng lahat ng iyan ito lang ang masasabi ko na totoo at di magbabago.

1. Mamahalin ka pa rin ng magulang mo kahit di ka maging successful, mayaman o sikat.

2. Ang tunay na kaibigan ay tanggap ang mga kakulangan mo.

3.  Hindi nakikita sa face value ang taong hinahanap mo, hindi yan nakikita o naamoy. Ang pagmamahal  nararamdaman na lang yan. Nasa puso mo muna yan na  umaakyat patungo sa isipan.

4. Hanapin mo ang magpapasaya at bubuo ng pagkatao mo  at hindi  kung saan pamilyar ka o Ok ka lang.

5.  At kung desperado ka na at  gusto mong maranasan ang bulag na pagmamahal, mag-alaga ka lang ng aso. Kahit ikaw pa si Napoles mamahalin ka nyan.

 

 

Kayo kaya? sa tingin nyo anong bago sa inyo sa 2016?

Advertisements

2 comments

Share your thoughts here

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s