Author: YUNKAI

overworked and underpaid

Unexpectedly

 

 

Isang collaboration ni Joulethomsoneffect at Chengboiser

Paumanhin kung ako ang maghahandog, lumuwas pa norte si Epol habang may sakit naman si Shin.

Tandaan POV: male-blue, female-red, both-green

 

Ano nga bang nangyayari
bakit nga ba buhay ay tila isang trahedya
bakit nga ba ngayon lang tayo nagkakilala
tila ba tadhana’y nanunudyo sa ating istorya

Ano nga bang magagawa
kundi na lang tumunganga
pagka’t ikaw at ako
magsasalo na lang sa luha

Aking mga kamay ay may hawak ng iba
aking mga labi’y pagmamayari na nya
sa iyong mga ngiti pagasa aking natagpuan
sa iyong mga yakap tila buhay ko’y walang hanggan

Isang trahedya nga naman para sa isat’isa
pagkat ating pagkikita ay tila huli na..
mga pinangarap natin maglalaho na parang bula
pagibig na nilihim liliparin na lang sa ulap

 

Palahaw

Para sa dalawang batang magkakampi sa lungkot at tawanan.
throwback ng kanilang nakaraan

Miserable At Best

Kung ang lahat ng tao ay makata siguro napaka gandang pakinggan ang kanilang pagliligawan at kahit na ang kanilang pagaaway.

Ang pagsigaw ng damdamin ni Chengboiser at Joulethomsoneffect.

Magkabilang mundo
yan ang ikaw at ako
magkaibang buhay na tinatahak
ibang daang nilalakbay
naisin mo man minsan na sumabay
malimit puso’t isipa’y
di naman magkaulayaw
pakatandaan na lamang anumang pinipilit
kailanman di ito ang syang makakamit
makuha mo man ang bunga
ngunit lasa nitoy ay walang kasing pait
pagka’t di kailanman magbubunga ng tamis
ang bagay na pinipilit.

Hindi naman talaga pinipilit
nagsisikap lang na masungkit
inaabot ang kamay
at inaalis ang takot na kalakip
nilalayo sa kalokohan
ng ibang mga gago
isinawalantabi ang angas
at nanatili sa prinsipyo
pakatandaan binibini ko
kailanma’y di ka para
kung kani kanino
at ibigay ang palad at pagmamahal
sa taong handang ibigay ang apelyido.

View original post

Paliparan Atbp

I’m sorry I’ll be reblogging for awhile since my comrades are out there following their dreams and reaching for Saturn, we wont be able to post any new stories or poems. So I’ll be showcasing a few THROWBACKS of our choiced post.
Enjoy!

Miserable At Best

Saking paglisan sana man lang dumampi
Pangako ng isang bukas kahit may pighati
Pagsinta at ligaya ay syang aking hatid
Basta’t pagabalik ko’y, andyan ka’t kayakap kong muli.

Yakap at ngiti, yan ang kalimitan kong nakikita sa airport pag may naghahatid sa terminal 1 ng Ninoy Aquino International Airport. Sa taas ang departure area at sa baba naman ang arrival. Sa ilang beses ko ng paghatid at pagsundo di ko pa rin maalis ang di magmasid,
Iba ang bigat ng hangin sa taas, hindi dahil sa air pressure, wala tayo sa bundok, kundi ang bigat na may kasamang lungkot, pangako at takot. Habang sa baba nama’y saya at pagkaantok paminsan pa’y may halong pagka bagot.

Iba nga talaga ang pamilyang Pilipino may lambing na di maitatago, iba rin ang dating ng salitang bagong bayani tila may sampal sa bawat papuri. Napapailing lang ako sa ganito, bayani? sino bang nagpauso nito? kabayanihan ba ang…

View original post 112 more words

Palahaw

Kung ang lahat ng tao ay makata siguro napaka gandang pakinggan ang kanilang pagliligawan at kahit na ang kanilang pagaaway.

Ang pagsigaw ng damdamin ni Chengboiser at Joulethomsoneffect.

Magkabilang mundo
yan ang ikaw at ako
magkaibang buhay na tinatahak
ibang daang nilalakbay
naisin mo man minsan na sumabay
malimit puso’t isipa’y
di naman magkaulayaw
pakatandaan na lamang anumang pinipilit
kailanman di ito ang syang makakamit
makuha mo man ang bunga
ngunit lasa nitoy ay walang kasing pait
pagka’t di kailanman magbubunga ng tamis
ang bagay na pinipilit.

Hindi naman talaga pinipilit
nagsisikap lang na masungkit
inaabot ang kamay
at inaalis ang takot na kalakip
nilalayo sa kalokohan
ng ibang mga gago
isinawalantabi ang angas
at nanatili sa prinsipyo
pakatandaan binibini ko
kailanma’y di ka para
kung kani kanino
at ibigay ang palad at pagmamahal
sa taong handang ibigay ang apelyido.

 

Suspens at Komedya

Mahirap pala talaga pag wala kang kaalam alam sa mga gawaing medikal, kung ang tanging alam mo lang na gamot ay Biogesic, Alaxan at Medicol, at pag may nagkakasakit ang  alam mo lang gawin ay bigyan sila ng tubig at ihiga ng maayos.

Kaya nga’t natatawa na lang ako habang naalala ko ang nangyari kanina, para kasing spoof, yung tipong napapanood mo sa mga Regal Films na komedya at di mo akalain na totoong nangyayari sa tunay na buhay.

Anyare? well, ang may hawak ng susi ng kotse ay biglang napapasok sa passenger seat, habang ang walang lisenysa ay muntikan ng magdrive sa katarantahan,  kung sino namang buntis sya pa ang umalalay sa may sakit na nakahandusay sa likod at ang nagiisa naming nurse — siya ang aming pasyente.

Sa sobrang katarantahan nawala ata kami sa sarili, ganun pala yun noh? panic mode ang mga loko ng magsuka ng marami at mamutla ang kaibigan namin, nagkandaugaga tuloy kami sa paghanap ng ospital, ang problema hindi kami taga rito at malayo layo pa naman ang Maynila.

Nakahanap naman kami ng mapagdadalhan, mahaba habang inuman nga lang ang nangyari sa registration pagka’t naiwan namin ang mga ID namin sa sasakyan. Eto ngayon at nasa isang room kami, naisip naming kumuha ng private room para makapag pahinga na rin kami. Paano nagsuka din ang buntis naming kaibigan, pati nga ako sumama ang sikmura, pati tuloy kami tinurukan ng gamot para maagapan, ang bigat pa naman ng kamay ng nurse na nanurok sakin, saan na ang tender loving care mo ma’am?

Mabalik tayo, Food poisoning daw ang nangyari sa amin, at dahil sa simula pa raw eh mahina na resistensya at kulang na raw ang… umm…   yung sa may dugo nya? ano nga uli yun, nakikita ko yun sa mga commercial at bitamina eh. Pisti! hindi ko talaga naintindihan sinabi ng doktor! Dok paki explain nga uli?!

Basta may kulang daw sa katawang niya kaya sya mas madaling nanghina  at bumigay ng husto.  YUN NA YUN!

Kaya nga’t eto ako ngayon, isang dakilang taga bantay buti na lang magaling ang broadband ko at nahanapan ako ng signal. May pampalipas oras ako habang hinihintay magising ang nurse naming may sakit, ipapa- discuss ko kasi sa kanya yung sinabi ni Dok, tipong may pathophysiology with diagnosis and treatment.

Nakakaloko nga talaga, lumuwas lang kami para makikain at maki-videoke pero eto mukhang mapapa slumber party pa ata kami sa ospital. What a day ika nga.

 

 

Ang kamay ni kulit, sabi ng nakausap ko lubog daw ang ugat nya kaya maliit nilagay nila. Lubog? bakit hindi ba yan talaga nakalubog?

Ang kamay ni kulit, sabi ng nakausap ko lubog daw ang ugat nya kaya maliit nilagay nila. Lubog? bakit hindi ba yan talaga nakalubog?

 

 

 

Mr. and Mrs. DOUBTfire

I am not the poet who made this collaboration but only the typist 😉 as always the blue corresponds to the male POV, while the red is for the female, and the green is a unison.

This is a collaboration about two lovers, by chengboiser and joulethomsoneffect.

I stand before you
looking at your eyes
hoping I could read your mind
and know what they profess
I sat next to you
and you seemed not to care
until I ask how you are
is when you noticed I’m there.

……

He sat next to me
and pondered quietly
suddenly my confusion
has started to rob me
how can I even dare say
everything that I know
that he is seeing someone else
is what my eyes had saw.

…..

how can I truly express
how much I miss her so
when there used to be no silence between us
and we only had each other to go

….

how can I truly say
how much I love him so
when I know there wasn’t only me
in his arms that he would hold

how can I talk to her
how can I talk to him
how can we go back
to our old passionate feeling
to the days when I was his only one
but now there’s someone else in her mind

How can I, How can We?

Tell me honestly, if you’re still loving me
Looking into my eyes, honestly