Author: chengboiser

Hi its me Cheng. An ICU-Rn by profession and a Domestic Goddess by career :D I love to write, watch films, camp/trek or be with nature, watch musicals (pag kaya ng budget) , watch documentaries, join in on keyboard wars :P , read loads of word porn, drink 3-4 cups of coffee, play with dogs, make-landian with my hubby, play Sims, have smellgasm on new books at nbs, And make faces and take selfies with my baby.

Pagtatagpo, Pagsasalo at Pamamaalam

Dalawang pusong uhaw at sabik sa pagmamahal

inalo ang kalungkutan, pinunan ang kakulangan

nagsalo, nagpasalamat sa mapaglarong tadhana

humalik sa ilalim ng buwan at tuluyang nagpaalam.

image courtesy of eppliedsolutions.org

Advertisements

Inabandona

Under my skin

image courtesy of doaknation.com

“Kinakapa ang sahig
mumunting kamay
naghahanap ng sasagip.”

Ilang araw na nga ba?
buwan at taon na pala
mula ng aking muling nakita
ang mga ngiti ng aking ina.
Si ama ay sumama na sa iba
alagaing kapatid iniwanan nila.

Kaya nga’t araw araw
sinisikap na lang mamuhay,
naguuling sa maghapon para lang mabuhay
kay toto at nene ako’y naghahanap buhay
upang gutom na kalamnan minsan din ay mapunan.

Ito ang aking kinasadlakan
ako na isang sampung taong gulang
kabataan ninakaw, inabuso ang kamalayan
pangarap na buhay di ko na ata matitikman.

** inspired by a segment in Motorcycle Diaries

View original post

The Impossible Feat

Under my skin

I never knew it could happen, it happened so fast I wasn’t ready to give up the butterflies that I felt nor the pain and the desperation of not having you.

How come I was able bear a day, how I could sit here and read on and on, and not feel anything.. just some sad eyes looking at something that used to mean more, something that used to be more important than my self, more than my dreams and hopes.

It used to be the kind love that fuel my days and nights, that made me create several rhyming words of love. of my endless affection, of my misery, of the hunger of not having the chance to just touch your face and say to your face how much I loved you.

It was the kind of love that I’ve been waiting to feel for a long time, the kind…

View original post 94 more words

Philophobia ang Ikalawang Kabanata

Miserable At Best

Sa kampay ng gitara
may lungkot na nadarama
mga labing ngumingiti
duda nama’y namamayani.
Mga matang nakatitig
sa labi na kay nipis
mga bigkas ng paglinang
tila baga lasong kumikitil.
Ba’t nga ba kay hirap
magtiwala na nga muli
kahit ano pang pagsisikap
ng sintang kay lambing.
Di man naisin
na ika’y inisin at pagurin
pagmamahal na inaalay
ay di pa kayang tugunin.
Pasensya na sa puso
na pilit mong sinasamyo
di naman talaga bato
dapatwa’t balot lang ng takot.

View original post

Mga Alitaptap

Naglalaro na naman sa ilalim ng lampara
naaaliw, tinutukso, nagpapaka tanga
bat nga ba umaaligid
bat sumasagot sa paanyaya
di nga ba natututo ang pusong nagiisa

Di nga ba’t minsan ng
napaso sa init nya
Di nga ba’t minsan ng
nakisalo sa mga buga
Di nga ba’t minsan ng
napahiya at naiwang tulala
Di nga ba’t minsan ng
iniwan kang nagiisa

Lahat ng ito ay dati ng napagdaanan
sa kalalaro sa gaserang nakaawang
di pa rin ba mabatid ang patutunguhan
o nagbubulag bulagan sa damdaming huwad
na puno ng kapangahasan.

 

image courtesy of wattpad.com