broken promises

Kwento ng Tahanan

Sa lumang tumba tumba
ako’y naidlip
kahapong mga pangako
dahan daha’y nagpasilip.

Mga ngiti at tawa
ng tunay na pagibig
at tunog ng kampana
sa ‘sang pagiisang dibdib

Ngiti’y sumilay at di maalis alis
yakap na walang kasing higpit,
Di rin naglaon, tuwa’y nadagdagan
sa supling na biyaya ng kadakilaan.

Kaya nga’t sa trabaho ama’y tumutok
responsibilidad sa araw araw ay sumusubok
inang pagod sa trabaho’y lagi ding pumapasan
sa anak at asawa’y nagpaka uliran.

Di rin nagtagal at taon ay lumipas
batang munti lumaki ang bulas
ipon ni ama ay kanyang sinamsam
pagka’t buhay sa kanluran kanyang inaasam

Pera, posisyon at mga ari-arian
mundo’y inangkin at pinagpaguran,
sariling landas ay kanilang binuo
pangako sa naiwan tuluyang naglaho.

Naglaon nga’y dumating
ang ambisyon ay tila nabitin
dahil sa isang sulat nagbabatid
tahanang nilisan tila naghihinagpis

Sa pagdating nga’y sa kanila’y bumungad
sa lumang tumba tumba siya’y nakaupo,
‘sang matandang babae na nakayuko
luha ng ina sa kanila’y sumalubong
pagkat ama’y nagpaalam na at nakakahon.

Pasensya na kung bitin at parang minadali…
nahirapan na akong tapusin ang kwento :p
any suggestion?

HTML Comment Box is loading comments…

/**/

LAST ONE NA TALAGA TO: Buod ko, Buod mo at Buod nating lahat

Taong beinte dose unang namulat
sa tunay na tamis ng isang pagliyag.
Ikaw lang saking mga mata’y nais na kamtin,
na tila ba isang talang marilag at nagniningning.
Pikit mata aking mundo’y sayoý umikot
ang mali naging tama at ang tamaý naglaho.
Matitinong mangingibig akoý lumayo,
dahil bulag na puso’y ikaw lang nais masamyo.
Dumaan ang panahon, pusoy nasugatan
utak ay nagalit pagkat nagtatanga tangahan.
Di man lang naisip na huminto at huminga,
mula sa pagkalugmok ay nais mamahinga.
Buwan ay pinalipas at unti unting namulat
sa nararamdama’y nagtatanong, nagtataka at nagugulat.
Datapwa’t wala ka na saking ala ala
pero bakit puso koý nakakulong pa pala.
Kahit na ba mukha moý di na maalala
tamis ng pagliyag koý nanatili at nagbunga.
Namaalam man ang utak at ikay nilimot
puso’y buhay, pumipintig, naghihintay, kumikirot.
Pagibig para sa iba di ko maibigay
kahit na ba naisin ko magmahal ng tunay.
Pagka’t aking nadarama ang isang pagsinta
na hahamakin ang langit, hanggat may mag bunga.
Oo, mali ako, mali tayo
at malamang di para sa isat isa
pero nais kong sambitin
ang tinatago ng damdamin at pagsinta.
Mahal kita, di dahil sa kung sino ka
Minahal kita pagkat nakita ko kung anong pwedeng maging ano ka
Mali man, ngunit saking mga mataý tila perpekto ka
At wala akong nais gawin kundi ikay alagaan at mahalin sinta.

*************************************************************************************

Taong beinte trese’y dumating
at unti unting tumutulin.
Saking nakalipas akoý napapangiti, napapailing
Pusoý mulat, utak ay tahimik.. sa iba koý binabaling
Mahal kita, totoo yan, ngunit mahal kita sa ala ala
at sa ala ala nalang sinta.