Casualties of a Fun fun

Mga Alitaptap

Naglalaro na naman sa ilalim ng lampara
naaaliw, tinutukso, nagpapaka tanga
bat nga ba umaaligid
bat sumasagot sa paanyaya
di nga ba natututo ang pusong nagiisa

Di nga ba’t minsan ng
napaso sa init nya
Di nga ba’t minsan ng
nakisalo sa mga buga
Di nga ba’t minsan ng
napahiya at naiwang tulala
Di nga ba’t minsan ng
iniwan kang nagiisa

Lahat ng ito ay dati ng napagdaanan
sa kalalaro sa gaserang nakaawang
di pa rin ba mabatid ang patutunguhan
o nagbubulag bulagan sa damdaming huwad
na puno ng kapangahasan.

 

image courtesy of wattpad.com

Maglaro Tayo

Mahirap palang gunitain
ang lahat ng ngiti at tawanan

Kung puro maskara naman
ang syang tangan tangan

Mga nasambit malamang ay di naman totoo
galing sa isang payasong mapagkanulo

Ang mga yakap at halik
ay may halong lason at putik

At mapagkunwaring mong mga titik
ay kumikitil saking pagibig

Oo nga’t kay tamis ang pulot na sinimulan
ngunit bulok naman ang kinalalagyan.

NANG MAGLARO NG APOY: FLIRTATIONSHIP ANG PAGTATAPOS

Ang mga salitang ito ang nangyari pagkatapos ng pagmamahalan at paglalaro, pagkatapos nilang masunog sa laro ng buhay. 

Salamat kay SHIN para sa mataray na POV ng babae :p at sa pag edit din.

courtesy of hdwallpaperstop.com

Magulo

yan na ang ating mundo

mula ng nagmahalan

ang ikaw at ako

sa pangarap namalagi

ang puso mong naging bato

mula ng masaktan ka

at iwanan ako

Sira!

Sira lang ang maniniwala sayo

kahit pa bumalik ang sang tulad mo

sabihin mo mang naghintay ka

at iniibig lamang ako

sayang lang pagkat bulag at bingi na

ang babaeng nasa harapan mo

Tatlong taon

mahal ko, tatlong taon kang nawala

ilang tawag at email na ba ang naiakda

ngunit ni isa di ka man lang nagpahayag

At ngayon eto nga ako’y nagbabalik

humihingi ng pagmamahal mo giliw

luhang dumadalo’y di na nga ba sapat

na kabayaran sa iniwan kong sugat.

FRIE(latio)DNSHIP

 

Not a romantic

I used to be apalled by such antic

never been one, never gonna be

thats what I said, until your smile got to me

WTF man, how could this be

How come before I failed to see

How her smile reach to her eyes

How her eyes never seem to lie

How her hair smell when she twirl and glide

And how could we have been friends for a long time.

abc8

FLIRTATIONSHIP IKATLONG EKSENA: Ang Huntahan

Isang uspan ng  magulong damdamin ni EPOL at ni SHIN, sana’y inyong magustuhan.

mars symbol

Sa pag gising palang ikaw na naiisip
sa gabi ikaw lang ang panaginip
nakakatawa pagkat akoy tila umaawit
inuulit sa isip ang mga araw na namayani
Mga araw na tila di matatapos
kulitang may kudlit ng pagsuyo
pagkakaibigang na tila nahuhulog
sa kalangitang dulot ng isang yapos

Venus_symbol.svgMga ngiti sa kawalan
mga text mong walang kabuluhan
anu nga ba ang patutunguhan
ng dalawang mundong
tila nagkabanggaan
Teka muna, tayoy magtigil
gumising sa isang panaginip
anu nga ba ang iyong ninanais?
pagibig o ang laro sa takipsilim

Mga tanong mong di masagot
pagkat puso’t isip ay umiikot
sabik sa yapos at ng iyong pagsuyo
sa pagibig nama’y ayaw magpagapos

Sabik ka nga sa pagmamahal
pero puso nama’y ipinagdadamot
nakakatawa at nakakayamot
ang tulad mong hilig lamang ay maglaro

Ang duet 🙂

Para sa mga naunang eksena iclick ang mga related post sa ibaba

https://shinshiiandyunkai.wordpress.com/2013/10/18/flirtationship-ang-ikalawang-eksena/

https://shinshiiandyunkai.wordpress.com/2013/10/02/flirtationship-part-1/

Since you’re not Mine

Bright lights dancing in the dark
waking us to come apart
Breath that mingles with my skin
sweet bliss of having you once again
Rich lips that gives off that weary smile
a soul that hides a crying child
Be still my love, I wont leave you for tonight
Promise to hold you close, share your woes
let me play your lover in the dark.