filipino literature

Pangako na Bukas

Pagputok ng mga kwitis
at sa pagtunog ng kampana,
natapos ang isang mumunting dula;
Dula ng isang sanggol na isinilang
na may pangako ng kaligtasan.

Ngayon sa gabing malamlam at tahimik
damhin ang pangako na hinatid
isang pagibig na ubod ng tamis
sa iyong kinabuksan ay makakamit

Isang buhay din na masagana
ay kanya ring dala dala,
upang buhay mo ay lumigaya
bastat magtiwala lang sa KANYA tuwina

Abutin mo at paniwalaan
tadhana mo ay nariyan
may lungkot man o kasawian
wag bibitiw, wag magalinlangan
andyan SIYA at palagi mong pagkatiwalaan.

 

 

Ang Kapaskuhan ay isang araw ng pagyakap sating Kapalaran, ang tadhana na base sa kalooban ng nasa taas, at ito’y magbubukas lamang kapag kapiling natin SIYA.¬†

***Galing sa nagiisang MMO na aking nilaro. (I’m a Sniper, aka. Yaslyn) laro tayo? ūüėČ

Tamis ng Kalamay

Sa isang sandali
sa dinulot na ngiti
sa lambing na kay tamis
at himig ng iyong tinig
sa sarap ng mga halik
at init ng pagniniig
tila kalamay ka
na sa labi’y pumupuno ng sabik

download

sa’king mga uli uli
at paglalaro ng guni guni
napapitlag, ¬†pagka’t sa alaala
yan ang pinangarap kong pagibig
hayy kalamay pinangarap kitang masimsim

Biglaan at di Makahintay

Puspos sa pagtatangi
di naman mabatid kung bakit
umaagos na pagsuyo
sa damdaming nanunubok
Luhang sadyang umaagos
pagka’t pagibig ay bumubuhos
tila baga bagyong tumutulo
sa puso kong naninibugho
Bakit nga ba o langit
nararamdaman di mapatid
isang hiling na pagibig
ba’t iba ata ang hinatid
Baliko ba ang iyong pana
at sa iba mo puso ko’y naitama?
ngayon tuloy aligaga
pagka’t siya’y di pa ata handa.

Minsan lang naging matapang
ngayon lang handang sumugal
ngalan di ka ata pwede

nasayang na pagmamahal
paalam.

Philophobia: The Conclusion

Darkness sets in
my hearts at awe
Confused and lonely
from thy lover has drawn

Weeks had passed
when you came back to me
the love that I used to have
has washed over me

Believe me I’m a coward
I don’t know how to confess
this feeling in my heart
has kept me distressed

You should know mine is pure
mine is real, mine is true
the beating of my heart
has fu*d me and made me blue

DAMN IT! My love you’ve been pushing me back
how can I truly fall
how can I dare jump for you
if you always push me back to the wall.

 

 
 
 
 
 
 


I'm sorry for being dishonest
guess my heart just can't confess
you see this heart has been aflutter
since you flashed your smile that made me stutter.

Paliparan Atbp

Saking paglisan sana man lang dumampi
Pangako ng isang bukas kahit may pighati
Pagsinta at ligaya ay syang aking hatid
Basta’t pagabalik ko’y, andyan ka’t kayakap kong muli.

 

 

Yakap at ngiti, yan ang kalimitan kong nakikita sa airport pag may naghahatid sa terminal 1 ng Ninoy Aquino International Airport. Sa taas ang departure area at sa baba naman ang arrival. Sa ilang beses ko ng paghatid at pagsundo di ko pa rin maalis ang di magmasid,
Iba ang bigat ng hangin sa taas, hindi dahil sa air pressure, wala tayo sa bundok, kundi ang bigat na may kasamang lungkot, pangako at takot.¬†Habang sa baba nama’y saya at pagkaantok paminsan pa’y may halong pagka bagot.

Iba nga talaga ang pamilyang Pilipino may lambing na di maitatago, iba rin ang dating ng salitang bagong bayani tila may sampal sa bawat papuri. Napapailing lang ako sa ganito, bayani? sino bang nagpauso nito? kabayanihan ba ang lungkot ng paglisan?, ang takot sa nahiwalay na pagsinta?

Aahh malamang bayani sa kaban ng bayan.

Nung ‘sang araw nakausap ko ang aking kaibigan, nais na nyang umalis muli ngunit hirap syang iwanan ang kanyang bagong silang. ¬†Hindi na lang ako umimik, ako ma’y lalayo, wala man akong sabit sa ngayon pero isang araw ang ganyan na rin siguro ako.

Kakayanin ko nga ba? magiging kasing tatag ko ba sila o pupungas pungas habang maleta’y hila hila?

Nakakatakot mang isipin pero ito ang buhay na tinatahak ng karamihan, nabubuhay sa isang pangarap na magandang buhay, sa isang¬†pangako ng isang liyag at pagibig na tunay, sa isang pamilyang babalikan at sana kailanma’y ¬†maghihintay.

 

 

 

LAST ONE NA TALAGA TO: Buod ko, Buod mo at Buod nating lahat

Taong beinte dose unang namulat
sa tunay na tamis ng isang pagliyag.
Ikaw lang saking mga mata’y nais na kamtin,
na tila ba isang talang marilag at nagniningning.
Pikit mata aking mundo’y sayo√Ĺ umikot
ang mali naging tama at ang tama√Ĺ naglaho.
Matitinong mangingibig ako√Ĺ lumayo,
dahil bulag na puso’y ikaw lang nais masamyo.
Dumaan ang panahon, pusoy nasugatan
utak ay nagalit pagkat nagtatanga tangahan.
Di man lang naisip na huminto at huminga,
mula sa pagkalugmok ay nais mamahinga.
Buwan ay pinalipas at unti unting namulat
sa nararamdama’y nagtatanong, nagtataka at nagugulat.
Datapwa’t wala ka na saking ala ala
pero bakit puso ko√Ĺ nakakulong pa pala.
Kahit na ba mukha mo√Ĺ di na maalala
tamis ng pagliyag ko√Ĺ nanatili at nagbunga.
Namaalam man ang utak at ikay nilimot
puso’y buhay, pumipintig, naghihintay, kumikirot.
Pagibig para sa iba di ko maibigay
kahit na ba naisin ko magmahal ng tunay.
Pagka’t aking nadarama ang isang pagsinta
na hahamakin ang langit, hanggat may mag bunga.
Oo, mali ako, mali tayo
at malamang di para sa isat isa
pero nais kong sambitin
ang tinatago ng damdamin at pagsinta.
Mahal kita, di dahil sa kung sino ka
Minahal kita pagkat nakita ko kung anong pwedeng maging ano ka
Mali man, ngunit saking mga mata√Ĺ tila perpekto ka
At wala akong nais gawin kundi ikay alagaan at mahalin sinta.

*************************************************************************************

Taong beinte trese’y dumating
at unti unting tumutulin.
Saking nakalipas ako√Ĺ napapangiti, napapailing
Puso√Ĺ mulat, utak ay tahimik.. sa iba ko√Ĺ binabaling
Mahal kita, totoo yan, ngunit mahal kita sa ala ala
at sa ala ala nalang sinta.