Filipino poem

Pagtatagpo, Pagsasalo at Pamamaalam

Dalawang pusong uhaw at sabik sa pagmamahal

inalo ang kalungkutan, pinunan ang kakulangan

nagsalo, nagpasalamat sa mapaglarong tadhana

humalik sa ilalim ng buwan at tuluyang nagpaalam.

image courtesy of eppliedsolutions.org

Advertisements

Unexpectedly

 

 

Isang collaboration ni Joulethomsoneffect at Chengboiser

Paumanhin kung ako ang maghahandog, lumuwas pa norte si Epol habang may sakit naman si Shin.

Tandaan POV: male-blue, female-red, both-green

 

Ano nga bang nangyayari
bakit nga ba buhay ay tila isang trahedya
bakit nga ba ngayon lang tayo nagkakilala
tila ba tadhana’y nanunudyo sa ating istorya

Ano nga bang magagawa
kundi na lang tumunganga
pagka’t ikaw at ako
magsasalo na lang sa luha

Aking mga kamay ay may hawak ng iba
aking mga labi’y pagmamayari na nya
sa iyong mga ngiti pagasa aking natagpuan
sa iyong mga yakap tila buhay ko’y walang hanggan

Isang trahedya nga naman para sa isat’isa
pagkat ating pagkikita ay tila huli na..
mga pinangarap natin maglalaho na parang bula
pagibig na nilihim liliparin na lang sa ulap

 

Mga Alitaptap

Naglalaro na naman sa ilalim ng lampara
naaaliw, tinutukso, nagpapaka tanga
bat nga ba umaaligid
bat sumasagot sa paanyaya
di nga ba natututo ang pusong nagiisa

Di nga ba’t minsan ng
napaso sa init nya
Di nga ba’t minsan ng
nakisalo sa mga buga
Di nga ba’t minsan ng
napahiya at naiwang tulala
Di nga ba’t minsan ng
iniwan kang nagiisa

Lahat ng ito ay dati ng napagdaanan
sa kalalaro sa gaserang nakaawang
di pa rin ba mabatid ang patutunguhan
o nagbubulag bulagan sa damdaming huwad
na puno ng kapangahasan.

 

image courtesy of wattpad.com

 

Ano ba ang nakatago sa likod ng iyong ngiti
Ano bang sikreto sa bawat paninimdim
Ano bang laman ng iyong mga pighati
Iisang mukha na nga lang ba
—- ang iyong pasakit at ngiti

 

Di na nga ba maiiba at maiiwaksi ang nasayang na sandali.
matatakpan nga ba ng galit ang mga katanungan ng isip
mapapalayas ba nito sa puso ang pagmamahal na kay tindi

O kakaiinin na lang ng lungkot at patuloy na mananahimik…

ang kaulapan sa Binangonan noong kami'y naglalakbay

ang kaulapan sa Binangonan noong kami’y naglalakbay

What do We Mean to Each Other

 

Sino ako, ano nga ba tayo? kung ako’y panakip butas lang

Thanks to Chengboiser for the collaboration. POV male- blue, female-red

Tula na nabuo mula sa kantang What Do We Wean to Each Other ni Sergio Mendes at binigyan buhay sa saliw ng pagibig ni Sheen at Paul.

 

Sino ako kung wala ikaw
sino nga ba tayo
kung puro takot ang sinisigaw
sino ang kahati ng syang puso
na sa mata mo’y dumudungaw
Ano nga ba ako
sa kinabukasan mong inaasam
Sino ako kung wala ikaw
sino nga ba tayo
kung may tanong sa balintataw
sino ang hahanapin ko
sa kaguluhan at karangyaan
pasasaan ang tagumpay
kung puso’y naguguluhan

Sino ang hahagkan
kung ako at sya na lang

Sino nga ba ang lilingapin
kung sa labi ko’y
ngalan nya lang ang alam

Sino ang iduduyan
ng bisig mo sa kalungkutan

 

Ikaw, maaring ikaw

 

——– Dahil lamang sayo sya’y di laan.

Numb

Anong pakiramdam ng isang panalo?
ng makamit ang mga inaasam

ng makuha ang tiwala
na walang pagaalinlangan

ng mapatahimik ang kanyang inis
gamit ang isang halik

di nga ba’t kay lakas ng kabog
ang iniwan mo sa kanyang dibdib

kaya nga’t ngayon at ika’y panalo na
maari na bang umamin sa laro at palayain sya?

tanggalin ang maskara ng prinsipeng naituran
bago pa tuluyan nyang malaman ang iyong kalapastanganan.