filipino poems

Para Sayo

Mulat man ngunit bulag,
Kumakapa kahit tarik ang araw
Sariliy di maintindihan
Ninanais ng isipa’y di matugunan
Tinatangi ang gawaing pariwara
Tuwina’y naglalakbay sa tagilid na kalsada
Patuloy na naghahanap ng makakasama
Pagkat kalungkutan ang syang kaaway nyaKaibigan kailan ka ba titgil
Sayong paglalaro’y di kita mapipigil
Iyong mga mata, lungkot ba ang kinukubli?
At pagmamahal sa sarili ay sya mo ng winaksi

Halika’t akoy iyong kausapin
Damdamin at problemay aking aalamin
Wag matakot pagkat akoy handang tumulong
Sa mundong makasalanan di ko nais ikay malulong.

SELF RESPECT TAKES NO CONSIDERATION- Mahatma Ghandi

Pitik bulag

Dapit hapon naghihintay sa isang mensahe
Na nagbibigay kahulugan sa’king araw at gabi.
Isang halik at kwento ang namamalagi,
Sa labing puspos ng ngiti dahil sayong paglalandi.
Mga pahina ng nakaraan muliy binabasa
Na tila ba nakikinig sa isang lumang kanta
Sa bawat tawa at saya na naiparamdam mo,
Ay bayad ng mga luha ng pagtatangi ko sayo.
Impit na mga salita nananatiling nakatago
Pagka’t laro ng kabataan , ang syang iyong nilalaro
Sayong paglalambing ay tila pitik ng pagibig mo,
Ngunit sa pagmulat, nama’y bulag sa damdamin ko.