literature

Pula, ang Kulay ng Abril

Kay rikit at naniningkit

ang liwanag nitong tila nagagalit

namumula at tila naghihimagsik

o baka nama’y naghihinagpis

naninibago na nga ba sa paligid

o baka nama’y pilit lang may winawaksi

nagbabaga na ba ang iyong pagibig

o baka kadunungan lang ang iyong pinababatid.

courtesy of pxwallpaper.com

 

Advertisements

Tsubibo

Ilang oras ka na nga bang naghihintay

ilang bulaklak na naibigay

ilang ngiti ang dumaan saking labi

ilang “mahal kita” ang iyong nasambit

ilang beses nga ba kailangang ulitin

upang tumatak saking isip at damdamin

ilang beses nga bang aalalahanin

upang takot sa pagsuyo mo ay tuluyang magapi

ilang beses pa nga bang kailangang humingi

ng mga payo ng kabigan upang puso’y muling buksan

Nakakailang ulit na nga ba?

ilang beses nga ba?

mukhang kailangang ulit ulitin pa.. 😦

Sunday Night Sakura

I see you againabc1
playing with your hair and skirt
but you don’t see me

I see you again

with that bright smile on your face
wishing he’s for you

I see you again
strucked and confused by his words
not knowing the truth

I see you again
holding me close with eyes shut
your sadness pains me.

 

 

 

Daluyong

May mababago ba

sa buhay na nakatakda

kung aking aaminin

na sayo ako’y nangungulila

 

Malulunasan nga ba

ang damdaming naghihirap

kung ako’y babalik

at mamahalin ka sinta

 

Mayayakap nga ba

ang isang irog na mailap

gayong tadhana’y naging mapaglaro

at tila paglalayo’y naisulat na sa bato

 

Mauunawaan nga ba

at sa paglalakbay mahihinita

ang lahat ng katanungan

at inaasam ng pusong nagiisa.

 

 

Ipilit ko man
Paikutin ang buwan
Kung puso mo’y hindi kumibo
Ba’t ko pa susundan
Isipin mo na lang may isang nagmamahal sa ‘yo
At ito’y ako

Keifalek?

courtesy of weheartit.com

Silipin ang kalangitan

at bumulong sa buwan

hagkan ang malamig na hangin

at iparating ang pagmamahal

lingapin ang takot

at ibuhos sa isang yapos

mangarap at humimbing

na sana kanyang marinig

ang mga awitin

ng pusong nangungulila’t naninimdim.

 

 

Palahaw

Kung ang lahat ng tao ay makata siguro napaka gandang pakinggan ang kanilang pagliligawan at kahit na ang kanilang pagaaway.

Ang pagsigaw ng damdamin ni Chengboiser at Joulethomsoneffect.

Magkabilang mundo
yan ang ikaw at ako
magkaibang buhay na tinatahak
ibang daang nilalakbay
naisin mo man minsan na sumabay
malimit puso’t isipa’y
di naman magkaulayaw
pakatandaan na lamang anumang pinipilit
kailanman di ito ang syang makakamit
makuha mo man ang bunga
ngunit lasa nitoy ay walang kasing pait
pagka’t di kailanman magbubunga ng tamis
ang bagay na pinipilit.

Hindi naman talaga pinipilit
nagsisikap lang na masungkit
inaabot ang kamay
at inaalis ang takot na kalakip
nilalayo sa kalokohan
ng ibang mga gago
isinawalantabi ang angas
at nanatili sa prinsipyo
pakatandaan binibini ko
kailanma’y di ka para
kung kani kanino
at ibigay ang palad at pagmamahal
sa taong handang ibigay ang apelyido.