Mga Alitaptap

Naglalaro na naman sa ilalim ng lampara
naaaliw, tinutukso, nagpapaka tanga
bat nga ba umaaligid
bat sumasagot sa paanyaya
di nga ba natututo ang pusong nagiisa

Di nga ba’t minsan ng
napaso sa init nya
Di nga ba’t minsan ng
nakisalo sa mga buga
Di nga ba’t minsan ng
napahiya at naiwang tulala
Di nga ba’t minsan ng
iniwan kang nagiisa

Lahat ng ito ay dati ng napagdaanan
sa kalalaro sa gaserang nakaawang
di pa rin ba mabatid ang patutunguhan
o nagbubulag bulagan sa damdaming huwad
na puno ng kapangahasan.

 

image courtesy of wattpad.com

Palahaw

Para sa dalawang batang magkakampi sa lungkot at tawanan.
throwback ng kanilang nakaraan

Miserable At Best

Kung ang lahat ng tao ay makata siguro napaka gandang pakinggan ang kanilang pagliligawan at kahit na ang kanilang pagaaway.

Ang pagsigaw ng damdamin ni Chengboiser at Joulethomsoneffect.

Magkabilang mundo
yan ang ikaw at ako
magkaibang buhay na tinatahak
ibang daang nilalakbay
naisin mo man minsan na sumabay
malimit puso’t isipa’y
di naman magkaulayaw
pakatandaan na lamang anumang pinipilit
kailanman di ito ang syang makakamit
makuha mo man ang bunga
ngunit lasa nitoy ay walang kasing pait
pagka’t di kailanman magbubunga ng tamis
ang bagay na pinipilit.

Hindi naman talaga pinipilit
nagsisikap lang na masungkit
inaabot ang kamay
at inaalis ang takot na kalakip
nilalayo sa kalokohan
ng ibang mga gago
isinawalantabi ang angas
at nanatili sa prinsipyo
pakatandaan binibini ko
kailanma’y di ka para
kung kani kanino
at ibigay ang palad at pagmamahal
sa taong handang ibigay ang apelyido.

View original post

Breakfast (Agahan)

Babala:  Bawal basahin ng may MALISYA, nagkatuwaan lang ang dalawang bata habang kumakain ng suman at latik, habang humihigop naman ng gatas at kape. 😉

Isang pilyang Collaboration ni Joulethomsoneffect at Chengboiser

 

image courtesy of mgaluto.blogspot.com

Kainin mo na kasi
isubo ng buong buo
tikman ang binibigay
pumikit at lumagok

Simsimin mo na kasi
ang pulot na naghihintay
nagaabang, nagpupumilit
na labi mo’y dumantay

kaya nga’t

Mahal, damhin ang init
tikman ang yaring lagkit

Bebekoh, sipsipin ang pangangailangn
ng susong naghuhumimdig.

 

Bubusugin ang isa’t isa, sisimulan yaring umaga
—- ng sandaling sarap at ng nakakapasong init.

 

Ano ba ang nakatago sa likod ng iyong ngiti
Ano bang sikreto sa bawat paninimdim
Ano bang laman ng iyong mga pighati
Iisang mukha na nga lang ba
—- ang iyong pasakit at ngiti

 

Di na nga ba maiiba at maiiwaksi ang nasayang na sandali.
matatakpan nga ba ng galit ang mga katanungan ng isip
mapapalayas ba nito sa puso ang pagmamahal na kay tindi

O kakaiinin na lang ng lungkot at patuloy na mananahimik…

ang kaulapan sa Binangonan noong kami'y naglalakbay

ang kaulapan sa Binangonan noong kami’y naglalakbay

What do We Mean to Each Other

 

Sino ako, ano nga ba tayo? kung ako’y panakip butas lang

Thanks to Chengboiser for the collaboration. POV male- blue, female-red

Tula na nabuo mula sa kantang What Do We Wean to Each Other ni Sergio Mendes at binigyan buhay sa saliw ng pagibig ni Sheen at Paul.

 

Sino ako kung wala ikaw
sino nga ba tayo
kung puro takot ang sinisigaw
sino ang kahati ng syang puso
na sa mata mo’y dumudungaw
Ano nga ba ako
sa kinabukasan mong inaasam
Sino ako kung wala ikaw
sino nga ba tayo
kung may tanong sa balintataw
sino ang hahanapin ko
sa kaguluhan at karangyaan
pasasaan ang tagumpay
kung puso’y naguguluhan

Sino ang hahagkan
kung ako at sya na lang

Sino nga ba ang lilingapin
kung sa labi ko’y
ngalan nya lang ang alam

Sino ang iduduyan
ng bisig mo sa kalungkutan

 

Ikaw, maaring ikaw

 

——– Dahil lamang sayo sya’y di laan.

Ikaw at Ako

Thanks to Chengboiser for making this poem with me even though she was sick and sore last Sunday.

PS. POV for male is blue, female is red and green is for both.

 

 

Sa dilim mga palad nati’y
palaging magkahawak
inaalalayan ka
hangga’t dumating ang umaga

Sa dilim tanging tinig mo
 nagbibigay lakas ng loob
upang tunguhin ang kagubatan
aabutin ang kalangitan

Sa liwanag ng kalangitan
ningning ng mata mo
siyang aking natuklasan
nagbibigay lakas, inspirasyon
sa bigat na tangan tangan

Sa liwanag ng kalangitan
iyong pagibig aking natuklasan
patuloy na naghihintay
sumusuyo, lumalaban.