alaala

Ang Babae sa Salamin

image courtesy of jimandellen.org

Nagising sa umaga
na tanging luha ang alaala
di malaman kung bakit
sa umaga’y mugto ang mga mata

Tinatanong sa salamin
ano nga bat nangyari
sa kalagitnaan ng gabi
ano nga bang namayani

Napatigagal na lamang
sa babaeng sa salami’y nakatingin
mga matang mugto
tila may inililihim

Napapailing sa katigasan
na bumabalot sa kanyang paningin
at iwinaksi ang kalungkutan
sa hilamos ng malamig na tubig.

Advertisements

Mapaglarong Isip

Kalikot kalikot
mga kamay na malikot
hinahanap hanap
ang litrato niyang nakakagigil
nilalasing nilalasing
ang guni guni ng isang halik
inaalala inaasam
na kaligayahan ay di mawaksi

lie with me

Kalikot kalikot
mundo ko’y iyong pinaikot
nagpipigil nanggigigil
mabigyang tugon ang ating init at tukso.