collateral damage

Damdamin sa Katimogan

Nakatakip sa tenga
nakatago sa lamesa
nanginginig ar lumuluha
habang yakap ni ina

Si ama’y nakadapa na
at si bantay umuungol pa
naroon sila sa may sala
duguan at tadtad ng bala

Pagsabog at mga putok
at luha ng namatayang irog
ito ang musika sa gabi
na aming patuloy na iniindi

Ano nga bang nangyayari
ba’t nga ba’y di tumitigil
karahasan ang namamayani
sa bayan kong giliw

Bat di ba nila kasi mabatid
kasangkapan lang sila ng mga ganid
bat ba buhay ang laging kapalit
sa kasarinlang pilit na kinakamit.