dating

Sinong Ka Date Mo?

Pag meant to be nga raw pinaglalapit ng tadhana, yan ang sinabi ng ka-opisina ko kanina. Napaisip tuloy ako, so meant to be kami nung ate sa angels burgers? kasi lagi ko syang nakikita sa daan pag-papunta ako sa trabaho at pag-uwi.

Ibig sabihin ba nito, may tsansa na puro burger ang kakainin ko sa takdang panahon? at laging buy one take one ang drama namin sa buhay?

Napapailing na lang ako sa kakornihan na to, di kasi ako mahilig sa ganyan, nagkataong papalapit pa naman ang Valentines. Eto na naman, magtatanungan na naman kung sinong kasama mo sa araw na yun.

“Sinong Ka-date mo?”

Patay kang bata ka! kailangan ba talagang sagutin ang tanong na yan?!

Mga tanong na hindi dapat tinatanong sa mga single. Ang mga double naman kasi napaka insensitive. Oo na! kayo na ang may kalampungan. Kayo na ang pinagpala ng pagmamahal.

Naguusap kaming magkakaibigan na magkita na lang sa concert na gaganapin sa isang kilalang unibersidad, pero mukhang di rin yata nila gusto na makinood sa araw na yun, baka nga naman puro Barry Manilow ang kantahin, tipong mapapa isip ka sa nakaraan mo, malamig pa naman dun baka maghanap ako ng kayakap.

Si manong guard daw ang yayakapin ng kaibigan kong makulit, hay kulit bakit hindi nalang kaya ako? o yung kasama nating nanliligaw sayo? ayaw mo pa kasi ng LDR eh. (clue: si kulit ay mahilig tumula sa blog na ito)

Balak naman ng kaibigan kong isa na single din pero committed but available, kumbaga its complicated status nya. Na mag-bar daw kami, have fun daw while were still single and young.
Bar? mukhang masaya nga, pero sa totoo lang nagsasawa na rin ako sa ganyang nightlife, paminsan gusto ko lang talaga na maupo, kumain at makipagusap sa isang Miranda Kerr look alike na kasing class ni Audrey Hepburn at kasing talino at angas ni Hilary Clinton.

Deym! sa mga pelikula lang yata may ganun.

Muntikan na akong magmukmok sa kaisipang ito kung di pa sa pangungulit ni kulit. Surreal na naman daw ako at dapat idinadaan sa pagkain ng belgian waffle ang pagiisip. Tama nga naman, walang mangyayari kung iisipin mo ang lahat at magoover plan ka. Take each step day by day ika nga, Live in the Moment, paka saya ka lang dahil maraming na shotgun wedding dyan at no choice lang sa kinakasama, be happy cause you’re single, REJOICE!

Salamat nalang talaga at na bribe ko si kulit ng belgian waffle, napapayag ko syang yakapin ako next week pag may kumanta ng Crazy for You. Solb na!

.Image

Advertisements

Because She’s an S

A thank you poem to a Sciting, Sizzling, Super Sassy Shinshin NAKS! LOl

rice, cans, coffee and noodles
rice, cans, coffee and noodles
our routine for the whole day long
within this place where hope resides
I looked at you sweating and wearing a smile

A day for catching up and old stories
turned out to be an evening I never thought I’d be
when I asked you to go out with me
I was hoping for a dinner, coffee and a movie
but youre such coy and a good hearted soul
to trick me and led me to volunteer and nourish my soul
in this warehouse our date turned out to be
a soiree of rice, cans, coffee, noodles harmony.

para sa makulit na bestprend ko.. I love you naks!