desire

Since you’re not Mine

Bright lights dancing in the dark
waking us to come apart
Breath that mingles with my skin
sweet bliss of having you once again
Rich lips that gives off that weary smile
a soul that hides a crying child
Be still my love, I wont leave you for tonight
Promise to hold you close, share your woes
let me play your lover in the dark.

FLIRTATIONSHIP ANG IKALAWANG EKSENA

Thanks  again to  EPOL ( joulethomsoneffect)  for rhyming with me :p

NOTE: MALE AND FEMALE POV

Binibining pinangarap
lakas loob na pinuntahan
bawat hakbang tila walang katapusan
sa kanyang anyo ako’y napapaamo
mga labi nyang namumula
aking puso’y nagsusumamo

Atat at kaba biglang naglaro
pagka’t saking sulok, mundo’y bigla atang huminto
papalapit na estranghero mula sa kalayuan
bakit ata akin ng inaantabayanan

mula sa pagkayuko ako’y napatingala
sa kanyang mga ngiti ako’y natutulala
sa pungay ng kanyang mata ako’y napahanga
at sing tamis ng pulot ang kanyang panimula

“Dilag na tinatangi kumusta ang iyong gabi?”
“Ako’y isang binata na nais kang makatabi”
” ibaba ang kilay pagkat ito’y di pambabastos
ang ninanais lamang ay ang iyong numero at sagot”

FLIRTATIONSHIP part 1

Thanks to joulethomsoneffect aka EPOL for the male POV

NOTE : MALE AND FEMALE POV

Sa saliw ng musika
at liwanag ng ilaw
init ng mga titig mo’y
akoy sadyang natutunaw

Sa lakas ng ugong ng banda
at sa giliw ng pagkanta
ba’t ba sa dako mo wari
ako’y naiilang, napapagitla

Andun sya sa isang tabi
labi’t mata’y ngumingiti
sa liwanag na sa kanyang dumadampi
tila ako’y kanyang inaakit

mula sa paghawak nya ng kanyang baso
at sa pag galaw ng kanyang mga braso
ako’y napapalunok, nagiinit
binibini nais kitang makapiling.

Alitaptap

Inaakit ng mundo na puno ng kalungkutan
Nananabik sa pagsuyo ng isang pagmamahalan
Mga tao’y sa dilim gumagalaw, umiindayog
Umuuwi nama’y lumong sa spirito at pakawalang alindog.
Pupungas pungas nang siya’y magising
Tulala at nililinga ang binibining nakahimbing
Isipay magulo at tila ito’y sasabog
Hudyat ng pag eskapo, umuwi at lumimot.
Samantala’y nakahimbing na dilag tuluyan ding nagising
Sa kwartong makasalanan binabaling ang tingin
Wala na ang pintakasi ng alak at sayaw
Naiwan ay ‘sang lugmok na dignidad na tila pumupusyaw.
Inaakit ng mundo na puno ng kasalanan
Mga sabik sa pagibig ngunit nag tatanga-tangahan
Binabaling ang isip sa liliw ng musika at liwanag
Na tila mga alitaptap sa mundo ng karuwagan.