endings

Wakas

Talukap na di na maibuka
sa sakit at hapdi ng mga mata
ang dating katawang puno ng sigla
ay laglag na at nangangalumata
Sa hirap at pasan na iniindi
ni sa hiyaw ay di na naipabatid
isang tinik na lumulunod sa isip at dibdib
na tila baga sagot lamang ay paghimlay at pananahimik
Advertisements