flirt

FLIRTATIONSHIP IKATLONG EKSENA: Ang Huntahan

Isang uspan ng ┬ámagulong damdamin ni EPOL at ni SHIN, sana’y inyong magustuhan.

mars symbol

Sa pag gising palang ikaw na naiisip
sa gabi ikaw lang ang panaginip
nakakatawa pagkat akoy tila umaawit
inuulit sa isip ang mga araw na namayani
Mga araw na tila di matatapos
kulitang may kudlit ng pagsuyo
pagkakaibigang na tila nahuhulog
sa kalangitang dulot ng isang yapos

Venus_symbol.svgMga ngiti sa kawalan
mga text mong walang kabuluhan
anu nga ba ang patutunguhan
ng dalawang mundong
tila nagkabanggaan
Teka muna, tayoy magtigil
gumising sa isang panaginip
anu nga ba ang iyong ninanais?
pagibig o ang laro sa takipsilim

Mga tanong mong di masagot
pagkat puso’t isip ay umiikot
sabik sa yapos at ng iyong pagsuyo
sa pagibig nama’y ayaw magpagapos

Sabik ka nga sa pagmamahal
pero puso nama’y ipinagdadamot
nakakatawa at nakakayamot
ang tulad mong hilig lamang ay maglaro

Ang duet ­čÖé

Para sa mga naunang eksena iclick ang mga related post sa ibaba

https://shinshiiandyunkai.wordpress.com/2013/10/18/flirtationship-ang-ikalawang-eksena/

https://shinshiiandyunkai.wordpress.com/2013/10/02/flirtationship-part-1/

Advertisements