Ikaw lang

Matutong Lumangoy sa Pampang Upang Di Malunod sa Pagmamahal

Lingapin ang mga bagay na nagpasaya
ialay lang ang lahat sa nakakataas,
magtiwala sa bawat bagay na nakatakda
at pumirmi sa taong nagmamahal ng wagas.

Buong tapang ding ialay ang puso sa minamahal
wag matakot, manahimik o mag dalawang isip,
pag ikaw man ay napaso, wag namang magalala
pagka’t peklat na naiwan yayao din at mawawala.

Pakatandaan na ang buhay ay puno ng pagibig
kailangan lang ng lakas loob at ito’y ¬†abutin,
di kailangan lumingon sa mga pasakit
lalo pag ito’y masidhi at puno ng balakid.

Humawak lang ng mahigpit at tuwirang umayon
sa plano ng AMA tanging matatapang lang ang nananalo
pusong nagapi piliting sa laban ay di mahapo
pagka’t sa biyaya nyang pagibig puso muli’y babangon.

…..

But there’s a danger in loving somebody too much
And it’s sad when you know it’s your heart you can’t trust
There’s a reason why people don’t stay where they are
Baby sometimes love just ain’t enough

Advertisements

Ikaw Lang

Ano nga bang maaaring sabihin
para iyong tuluyang mabatid
ang mga pangarap ko’t iniisip
ay para lang sayo giliw

Pano nga ba dapat ayusin
ang nakaraang nagpasakit
para tuluyang lumambot
ang puso mo na saki’y nanlamig

Pano nga ba dapat iparamdam
sa damdamin mong naguguluhan
di man lang magawang maniwala
na sadyang ikaw lang ang inaasam

Mahal ko di mo man mabatid
na ikaw lang ang talang nais na abutin
ang liwanag saking dilim
at huni ng aking pagibig

Kayat’ sa aking paglisan
mahal sana iyong pakatandaan
ikaw ang tala saking dilim
ang init sa gitna ng lamig
ikaw lang at wala ng iba
ako’y iyo magpakailan man.