lies

Paghihintay ng Bukas

Araw araw tinatahak ang magulo na daan
ang kasayaw ay estranghero
at kahalikan ang mga huwad

Sa malayong ibayo ako’y napadpad
hinahanap ang landas,
sa maayos na bukas

sa lupain ng iba ako’y nangangarap
hinahanap ang liwanag
sa kadilimang tinatahak

nagbabaka sakali na makakita ng kasagutan
sa mga tanong ng isipan
at sa pusong sa bayan ay iniwanan.

Kumusta puso ok ka lang?
tanong ng utak mong may agam agam. 😉

Putik

Punong puno ng kasinungalingan
mga negatibong akda ng panlilinlang
ang pagmamatigas at pagbibingibingihan
yan lang iyong alam
mga panahon na sinayang
at tiwalang matagal ng niyurakan
ito ang dumi na iyong naiwan
tila burak sa kabahayan
kaya nga’t sa iyong pagtanda
ginang wag ng pagtakhan
kung ba’t ang dating isinilang
ay wala na at handa kang iwan.