life lessons

When Everything Rots

courtesy of yournextworth.com

Have I not gone far enough?

Have I not said the words you want to hear?

Have I not cried for you day and night?

Have I not made myself the clown and trophy to your deeds?.

Is there something more that I needed to do

to make your cruel heart try to see,

that your deviled love and kisses

was all that I ever need;

That the poisoned apple of our past

or the rotten words that I heard you spoke

was all but forgiven by my anguished heart

like yesterdays spilled milk.

Come hither my Love

Oh please hurry and come back

I’ll take all that anger and misery

and blind us of our wounds with my lies and fantasy.

.

.

.

.

.

.

.

A homage to one of my fave songs,  CRYIN by AEROSMITH

Muling Pagpiring

Sa tagal at layo ng tinahak
sa dami ng paltos na ating nakuha,
hindi nga ba’t nakakapagod na
sa puso’y palaging pinaglalaban ka

Tama na bang huminto muna
mamaraptin mo ba sinta?
giliw bigyan mo sana ng pansin,
itong hinaing ng nagiisa mong alipin

Alipin na sa pagibig mo’y umaamot
ngunit ngayo’y nagdesisyon ng magmaramot,
nagnanais na munang tumikhim
ng ibang klaseng lasap at awitin

Awitin na may ibang kulay
at sa pusong uhaw magbibigay buhay,

O sadyang kapangahasan nga ba?
na sa iba nais makuha ang init at lambing

Lambing na ni minsan di mo maibigay
kayat nanatiling uhaw at puno ng lumbay,
ngunit kung iniisip mong pagmamahal sayo’y tuluyang namatay
mali ito mahal ko, pagka’t yaon ay pang habambuhay

Habambuhay man na kamalian at pagtataksil
taksil lamang sa sarili at puso kong hinahanap ka giliw,
ngunit intindihan na isipa’y di na kayang magtiis
at pangarapin ang pagibig mo na palagi namang mintis.

………………

courtesy of discoveryouritaly.com

Yaan na munang manahimik at magkunwari

isuot MULI ang balabal at maskara ng saya at pagpupunyagi,

ipikit ang mata at takpan ulit ang pandinig,

manatiling bulag at bingi sa tawag ng pagibig.

Metamorphosis

Lumabas ka na mumunting bubwit
wag matakot sa liwanag ng mundo
iangat ang iyong mga ulo
at ilabas ang koloreteng pakpak mo

Sa liwanag ng araw wag mahiyang tumingin
pagka’t pag asa ang dala nito giliw
damhin din ang bulong ng hangin
tila isang harana sa damdamin

Dahan dahang humakbang sa mga sanga
at iangat ang pakpak at ibuka
ikampay ito ng paunti-unti
at lakas loob na magpakahulog.

Hayan!! Eto na ang pagbagsak!
tila mundo at puso’y lalagapak
sa takot man mata’y pilit mong buksan
sa lambing ng hangin manalig pagka’t ikay gagabayan

Koloreteng pakpak tuluyang bumukadkad
sa sayaw ng hangin siya’y umiindak
bubwit na dati sa langit nakatingala
ngayon lumilipad na at sa nakaraan ay kumawala