minsanan

Pagtatagpo, Pagsasalo at Pamamaalam

Dalawang pusong uhaw at sabik sa pagmamahal

inalo ang kalungkutan, pinunan ang kakulangan

nagsalo, nagpasalamat sa mapaglarong tadhana

humalik sa ilalim ng buwan at tuluyang nagpaalam.

image courtesy of eppliedsolutions.org

Advertisements

Minsanan

Nagising ako sa pagkakahimbing
sa isang panaginip na walang kasing tamis

ikaw raw ay nasa aking tabi
magkayapos at mga labiy napuspos ng halik

mga bigkas mo raw ay puno ng pagmamahal
mga salitang saki’y nagpapatigagal

ang madilim kong silid tila naging isang langit
mula ng sa panaginip ako’y iyong bisitahin.

 

image courtesy of quotes-lover.com