paglayo

Pula, ang Kulay ng Abril

Kay rikit at naniningkit

ang liwanag nitong tila nagagalit

namumula at tila naghihimagsik

o baka nama’y naghihinagpis

naninibago na nga ba sa paligid

o baka nama’y pilit lang may winawaksi

nagbabaga na ba ang iyong pagibig

o baka kadunungan lang ang iyong pinababatid.

courtesy of pxwallpaper.com

 

Paglisan

Mga duda at kalungkutan
naging isang taguan
ng mga takot na kinapalooban
ng isang pusong sugatan

nagbibilang palagi ng araw
at nanatiling hayok sa pagbabago
pagka’t usapang dating may kasiyahan
ngayon nais na lamang maglaho

mga lambing na dating nasambit
ngayon puro na lang hinanakit
mga sama ng loob
patawad kung palaging napapabatid

di naman talaga nagagalit
sadyang takot lang sa paglayo
pagkat alam naman ng isipan
puso mo’y kailanmay di masasamyo

tangan tangan ang puso
at sa langit humihiling
mga bagay na ipinangako
kailan nga ba makakamit

kailan nga ba lilisan
upang tuluyan ng mahimlayan
o dapat na nga bang ipinid
ang pagmamahal na wala namang kalalagyan.

courtesy of pinterest.com

Halika na, atin ng isara para di na ito maulit pa..