paglisan

Nagbibilang ng Araw

image courtesy of her-infinite-sins.blogspot.com

Mga bagay na nanahan
isang araw di’y matatapos
mga salitang naituran
tuluyan na ring magagapo
dito sa saking damdamin
mananatiling isang hapo
hangga’t di pa makawala sa kulungan
na tila tanikalang pagibig ko sayo.

malapit na,
malapit na akong makawala,
malapit na rin kitang pakawalan

Advertisements

Ikaw Lang

Ano nga bang maaaring sabihin
para iyong tuluyang mabatid
ang mga pangarap ko’t iniisip
ay para lang sayo giliw

Pano nga ba dapat ayusin
ang nakaraang nagpasakit
para tuluyang lumambot
ang puso mo na saki’y nanlamig

Pano nga ba dapat iparamdam
sa damdamin mong naguguluhan
di man lang magawang maniwala
na sadyang ikaw lang ang inaasam

Mahal ko di mo man mabatid
na ikaw lang ang talang nais na abutin
ang liwanag saking dilim
at huni ng aking pagibig

Kayat’ sa aking paglisan
mahal sana iyong pakatandaan
ikaw ang tala saking dilim
ang init sa gitna ng lamig
ikaw lang at wala ng iba
ako’y iyo magpakailan man.