pagmamahal

Laro o Langit sa Dilim

image courtesy of weheartit.com

 

 

Sa pag dilat ng mga mata
may mga katanungang  namamalagi
mga bagay na pilit na winawaksi
ito ang mga katanungan matapos ang isang pagniniig..

 

“Sa pag dilat ng mga mata
yayakapin mo ba uli ako sinta
hahaplusin ang kamay na kay pagal
hahalikan ang noo at gigisingan sa isang halik

Sa pagdilat ng mga mata
maaalala mo pa ba ang pangakong naipabatid
magbibigay ba ito ng ligaya o kaguluhan sa isipan
magdudulot ba ito ng kaginhawaan o pasakit

Sa pagdilat ng mga mata
mananatili pa kaya ang init na nadarama
mananalantay ba ang pagsuyong sa dilim nasambit
o magkikibit balikat at tuluyang aalis? .”

 

Sa pag dilat ng mga mata,
dun nga lang tuluyang maiisip
kung isa nga bang langit ang kinahantungan
o impyerno’y hinukay dahil lamang sa tawag ng laman. ..

Advertisements

Nang Matapos ang Bukas

 

Iaasa na lang ba sa pangako na bukas
ang lahat ng nadama,
iaasa na lang ba sa pagikot ng mundo
ang ating pagsasama,
iaasa na lang ba sa bulong ng hangin
ang mga salitang kay tamis,
iaasa na lang ba sa langit
ang biyaya ng ating pagibig

Paano kung sasabihing kong wala ng bukas

Paano kung sa isang iglap ikaw at ako’y mawala

Iaasa mo pa rin ba, ang pagmamahal ng isang nagsisinta?

FX love story

Sa sasakyan sya’y sakin nakahilig
habang mga mata’y nakapikit.
Sa kanyang mga talukap ako’y nakatitig,
ninanais na minsa’y
sa pagmamahal ko sya’y magising.

Ang earphone na aming pinasaluhan
tinutugtog ang kanta ng kabiguan,
mga lirikong sa cellphone nya nanggagaling
nagdudulot sakin ng init ng ulo at inis

Tuloy sa dilim kanyang kamay aking inapuhap
nais lang mabantayan ang matang napaluha.
Mga kamay na kay lambot at sa palad ko’y kay liit,
gayun na lamang ang pagnanais
na angkinin at dulutan ng init.

 

 

**Ok lang kahit na sya may-ari nyan, ang mahalaga ako ang laging kasama mo at sakin ka lang humihilig. **