pangako

Kasal Kasalan

Kailan nga ba nagsisimula ang walang hanggan?
sa pag dampi ba ng ating mga labi
sa pagtanggal mo ng aking belo
o sa pagsusuot ng ating mga singsing

Madarama nga ba natin ang kaligayahan
at handa nga ba tayo sa kung ano mang patutunguhan
magpakailanman mo ba akong handang samahan
mapa liwanag man o kadiliman

Magkakasama nga ba tayo kahit sa katopakan
oo iiling na lang sa mga kagaspangan
makakatulog ka ba na mabigat ang ating mga dibdib
o yayakapin na lang ako at hahalikan ang mga bibig

Mamumuhay ba tayo ng payapa
o matatalo pa natin ang aso’t pusa
maglalambing ba tayo pagkatapos ng pagaaway
o idadaan na lang sa inom at pagkaumay

Magyayakapan pa kaya tayo sating pagtanda
o tatahimik na lang at sa isang sulok magbabasa
mananatili kaya ang nabuong kilig at tamis
pagkatapos ng ating umo OO sa dambana ng pagibig.

 

 

 

 

 

 

..ANG ATING ISASAGOT SA MGA KATANUNGAN AY NASA KANTANG TO..

Advertisements

Pangako na Bukas

Pagputok ng mga kwitis
at sa pagtunog ng kampana,
natapos ang isang mumunting dula;
Dula ng isang sanggol na isinilang
na may pangako ng kaligtasan.

Ngayon sa gabing malamlam at tahimik
damhin ang pangako na hinatid
isang pagibig na ubod ng tamis
sa iyong kinabuksan ay makakamit

Isang buhay din na masagana
ay kanya ring dala dala,
upang buhay mo ay lumigaya
bastat magtiwala lang sa KANYA tuwina

Abutin mo at paniwalaan
tadhana mo ay nariyan
may lungkot man o kasawian
wag bibitiw, wag magalinlangan
andyan SIYA at palagi mong pagkatiwalaan.

 

 

Ang Kapaskuhan ay isang araw ng pagyakap sating Kapalaran, ang tadhana na base sa kalooban ng nasa taas, at ito’y magbubukas lamang kapag kapiling natin SIYA. 

***Galing sa nagiisang MMO na aking nilaro. (I’m a Sniper, aka. Yaslyn) laro tayo? 😉