patawad

Paglisan

Mga duda at kalungkutan
naging isang taguan
ng mga takot na kinapalooban
ng isang pusong sugatan

nagbibilang palagi ng araw
at nanatiling hayok sa pagbabago
pagka’t usapang dating may kasiyahan
ngayon nais na lamang maglaho

mga lambing na dating nasambit
ngayon puro na lang hinanakit
mga sama ng loob
patawad kung palaging napapabatid

di naman talaga nagagalit
sadyang takot lang sa paglayo
pagkat alam naman ng isipan
puso mo’y kailanmay di masasamyo

tangan tangan ang puso
at sa langit humihiling
mga bagay na ipinangako
kailan nga ba makakamit

kailan nga ba lilisan
upang tuluyan ng mahimlayan
o dapat na nga bang ipinid
ang pagmamahal na wala namang kalalagyan.

courtesy of pinterest.com

Halika na, atin ng isara para di na ito maulit pa..

Patatawarin Mo Kaya

Sa lamig ng gabi
kalungkutan ang namamayani

Matang sa dilim ay lumuluha
tinatakpan ang sinisikil na dusa

Ang masasakit na binigkas
dinulot lamang ng pagnanais

Di kasi masambit ang pagsinta
kaya’t pait ang naipasabi.

Sana’y patatawarin mo abang mahal
kung ako’y naging mapanakit

Pagsinta’y di magawang iwaksi
Kaya’t nais na lamang ikay magalit

Para saking paglisan
ay di na gaanong masakit

Pagibig na ngayon lang sa tanang buhay nadama
ay kailangang unti unti ng tibagin.