poverty

Pilipinas kong Mahal

 

Lupain ng kasaganaan
ako’y iyong tulungan
pagal na katawan
ay di na kayang sumagwan

Mabenta man o makakain
para lang sa hapag kainan
malaki o maliit man
na isda, ay sya kong inaasam

Lupain ng kasaganaan
ako’y iyong tulungan
sa trabahong arawan
di na kayang pagtuunan

Katawan kong palito
ay bumigay na’t inubo ubo
kinabuksan ng pamilya
ay sya saking nakapagpapalumo

Lupain ng kasaganaan
akoy iyong tingnan
o langit na mahal
ako’y iyong kaawaan

Landas ng matataas
habam buhay na bang nakatingala?
sa hirap at delubyo
na tila impyernong tanikala.

 

Advertisements