promises

Ikaw at Ako

Thanks to Chengboiser for making this poem with me even though she was sick and sore last Sunday.

PS. POV for male is blue, female is red and green is for both.

 

 

Sa dilim mga palad nati’y
palaging magkahawak
inaalalayan ka
hangga’t dumating ang umaga

Sa dilim tanging tinig mo
 nagbibigay lakas ng loob
upang tunguhin ang kagubatan
aabutin ang kalangitan

Sa liwanag ng kalangitan
ningning ng mata mo
siyang aking natuklasan
nagbibigay lakas, inspirasyon
sa bigat na tangan tangan

Sa liwanag ng kalangitan
iyong pagibig aking natuklasan
patuloy na naghihintay
sumusuyo, lumalaban.

 

 

 

 

Advertisements

Ang Huling Aria

My fave pianist Angela Aki.

Sa muling paghawak
sa muling paglapit
magtiwala sa aking kamay
na di kailanma’y bibitiw
hahaplusin ang sugat
lilingapin ang mga takot
hahalikan ang mga palad
at hihigpitan ang yapos
wag matakot lumapit
wag magalinlangan sa pagibig
magtiwala sa nadarama
bago ito tuluyang magmaliw.

.

.

.

.

**excerpt:  nakakalungkot pagkat patapos na ang pagtatanghal

tatabing na ang talon

at nadarama’y nagsimulang magmaliw

napapagod na rin..

naglalaho…

pa unti -unti….

naubos na ang bukas…..

Pangako na Bukas

Pagputok ng mga kwitis
at sa pagtunog ng kampana,
natapos ang isang mumunting dula;
Dula ng isang sanggol na isinilang
na may pangako ng kaligtasan.

Ngayon sa gabing malamlam at tahimik
damhin ang pangako na hinatid
isang pagibig na ubod ng tamis
sa iyong kinabuksan ay makakamit

Isang buhay din na masagana
ay kanya ring dala dala,
upang buhay mo ay lumigaya
bastat magtiwala lang sa KANYA tuwina

Abutin mo at paniwalaan
tadhana mo ay nariyan
may lungkot man o kasawian
wag bibitiw, wag magalinlangan
andyan SIYA at palagi mong pagkatiwalaan.

 

 

Ang Kapaskuhan ay isang araw ng pagyakap sating Kapalaran, ang tadhana na base sa kalooban ng nasa taas, at ito’y magbubukas lamang kapag kapiling natin SIYA. 

***Galing sa nagiisang MMO na aking nilaro. (I’m a Sniper, aka. Yaslyn) laro tayo? 😉