romance or the lack of it

Bawal Magtanong

Masama bang humiling

kung ikaw naman ang katabi,

masama bang tumikim

ng isang matamis na halik,

masama bang hintayin

hanggang puso ay makalaya,

masama bang pangarapin

na makayakap ka sinta,

masama bang awitan

ang pusong nauuyam,

masama bang hagurin

ang damdaming may agam agam,

masama nga bang manalangin

at hilingin ka sa mahal na Aba,

Masama nga ba?

Masama ba?

Advertisements

Ang Huling Aria

My fave pianist Angela Aki.

Sa muling paghawak
sa muling paglapit
magtiwala sa aking kamay
na di kailanma’y bibitiw
hahaplusin ang sugat
lilingapin ang mga takot
hahalikan ang mga palad
at hihigpitan ang yapos
wag matakot lumapit
wag magalinlangan sa pagibig
magtiwala sa nadarama
bago ito tuluyang magmaliw.

.

.

.

.

**excerpt:  nakakalungkot pagkat patapos na ang pagtatanghal

tatabing na ang talon

at nadarama’y nagsimulang magmaliw

napapagod na rin..

naglalaho…

pa unti -unti….

naubos na ang bukas…..

Basahan

Sige lang wag matakot
libutin mo ang mundo
Maging mapangahas
at abutin ang pangarap mo

Daanan pati ang madilim
na kalsadang banyaga sayo
humakbang ng mabilis
at tumalilis palayo

Magmahal, tumula
at yumakap man ng iba
lahat ito’y tinatanggap
kahit maiwan mang magisa

Tandaan andito lang ako
at palaging maghihintay
kung mapagod ka man
at muling malumbay

Handang bitawan ang lahat
pati na ang aking bukas
magiging tagapagtanggol
at nagiisa mong lakas

Iingatan ko ang lahat
pati na mga pangarap
magsisilbing pugad
ng pait at sarap.

Ikaw Lang

Ano nga bang maaaring sabihin
para iyong tuluyang mabatid
ang mga pangarap ko’t iniisip
ay para lang sayo giliw

Pano nga ba dapat ayusin
ang nakaraang nagpasakit
para tuluyang lumambot
ang puso mo na saki’y nanlamig

Pano nga ba dapat iparamdam
sa damdamin mong naguguluhan
di man lang magawang maniwala
na sadyang ikaw lang ang inaasam

Mahal ko di mo man mabatid
na ikaw lang ang talang nais na abutin
ang liwanag saking dilim
at huni ng aking pagibig

Kayat’ sa aking paglisan
mahal sana iyong pakatandaan
ikaw ang tala saking dilim
ang init sa gitna ng lamig
ikaw lang at wala ng iba
ako’y iyo magpakailan man.

Last Mist of Hope

There it was, the mist from the window slick that fuzzed up the image outside.
The sun’s light creeping slowly like a thief inside the white room, that hangs endless failed dreams to an impoverished heart.

In that golden gleam her eyes squint as her pupils tried to adjust to the sudden change; from the night’s darkness to her soul’s blackness. She hugged her pillow tight as she murmured His name, asking for help, praying for salvation and his happiness. Wishing all would be gone: her failed dreams, her wretched spirit, and that bleak life she woke up to-day by day.

How death would be an easy way out.

Tears fell, as she realized it’s not gonna happen, How she dreamt of being save, of being in love and being impassioned. With knees wobbling, she stood beside the window with its morning mist. She drew breath and slowly blew the coldness off that was amidst.

Pursed lips with eyes closed, she imagines of a land far away, when she knew how it all felt like, a kiss, how to love, and to care and be cared.

Tears continued to roll down.. abandoned.. she scribbled out of despair..

” I WILL BE FINE”

Metamorphosis

Lumabas ka na mumunting bubwit
wag matakot sa liwanag ng mundo
iangat ang iyong mga ulo
at ilabas ang koloreteng pakpak mo

Sa liwanag ng araw wag mahiyang tumingin
pagka’t pag asa ang dala nito giliw
damhin din ang bulong ng hangin
tila isang harana sa damdamin

Dahan dahang humakbang sa mga sanga
at iangat ang pakpak at ibuka
ikampay ito ng paunti-unti
at lakas loob na magpakahulog.

Hayan!! Eto na ang pagbagsak!
tila mundo at puso’y lalagapak
sa takot man mata’y pilit mong buksan
sa lambing ng hangin manalig pagka’t ikay gagabayan

Koloreteng pakpak tuluyang bumukadkad
sa sayaw ng hangin siya’y umiindak
bubwit na dati sa langit nakatingala
ngayon lumilipad na at sa nakaraan ay kumawala