tagalog poem

Unexpectedly

 

 

Isang collaboration ni Joulethomsoneffect at Chengboiser

Paumanhin kung ako ang maghahandog, lumuwas pa norte si Epol habang may sakit naman si Shin.

Tandaan POV: male-blue, female-red, both-green

 

Ano nga bang nangyayari
bakit nga ba buhay ay tila isang trahedya
bakit nga ba ngayon lang tayo nagkakilala
tila ba tadhana’y nanunudyo sa ating istorya

Ano nga bang magagawa
kundi na lang tumunganga
pagka’t ikaw at ako
magsasalo na lang sa luha

Aking mga kamay ay may hawak ng iba
aking mga labi’y pagmamayari na nya
sa iyong mga ngiti pagasa aking natagpuan
sa iyong mga yakap tila buhay ko’y walang hanggan

Isang trahedya nga naman para sa isat’isa
pagkat ating pagkikita ay tila huli na..
mga pinangarap natin maglalaho na parang bula
pagibig na nilihim liliparin na lang sa ulap

 

Advertisements

Mga Alitaptap

Naglalaro na naman sa ilalim ng lampara
naaaliw, tinutukso, nagpapaka tanga
bat nga ba umaaligid
bat sumasagot sa paanyaya
di nga ba natututo ang pusong nagiisa

Di nga ba’t minsan ng
napaso sa init nya
Di nga ba’t minsan ng
nakisalo sa mga buga
Di nga ba’t minsan ng
napahiya at naiwang tulala
Di nga ba’t minsan ng
iniwan kang nagiisa

Lahat ng ito ay dati ng napagdaanan
sa kalalaro sa gaserang nakaawang
di pa rin ba mabatid ang patutunguhan
o nagbubulag bulagan sa damdaming huwad
na puno ng kapangahasan.

 

image courtesy of wattpad.com

Numb

Anong pakiramdam ng isang panalo?
ng makamit ang mga inaasam

ng makuha ang tiwala
na walang pagaalinlangan

ng mapatahimik ang kanyang inis
gamit ang isang halik

di nga ba’t kay lakas ng kabog
ang iniwan mo sa kanyang dibdib

kaya nga’t ngayon at ika’y panalo na
maari na bang umamin sa laro at palayain sya?

tanggalin ang maskara ng prinsipeng naituran
bago pa tuluyan nyang malaman ang iyong kalapastanganan.

Matutong Lumangoy sa Pampang Upang Di Malunod sa Pagmamahal

Lingapin ang mga bagay na nagpasaya
ialay lang ang lahat sa nakakataas,
magtiwala sa bawat bagay na nakatakda
at pumirmi sa taong nagmamahal ng wagas.

Buong tapang ding ialay ang puso sa minamahal
wag matakot, manahimik o mag dalawang isip,
pag ikaw man ay napaso, wag namang magalala
pagka’t peklat na naiwan yayao din at mawawala.

Pakatandaan na ang buhay ay puno ng pagibig
kailangan lang ng lakas loob at ito’y ¬†abutin,
di kailangan lumingon sa mga pasakit
lalo pag ito’y masidhi at puno ng balakid.

Humawak lang ng mahigpit at tuwirang umayon
sa plano ng AMA tanging matatapang lang ang nananalo
pusong nagapi piliting sa laban ay di mahapo
pagka’t sa biyaya nyang pagibig puso muli’y babangon.

…..

But there’s a danger in loving somebody too much
And it’s sad when you know it’s your heart you can’t trust
There’s a reason why people don’t stay where they are
Baby sometimes love just ain’t enough