tula

Pagtatagpo, Pagsasalo at Pamamaalam

Dalawang pusong uhaw at sabik sa pagmamahal

inalo ang kalungkutan, pinunan ang kakulangan

nagsalo, nagpasalamat sa mapaglarong tadhana

humalik sa ilalim ng buwan at tuluyang nagpaalam.

image courtesy of eppliedsolutions.org

Advertisements

Mga Alitaptap

Naglalaro na naman sa ilalim ng lampara
naaaliw, tinutukso, nagpapaka tanga
bat nga ba umaaligid
bat sumasagot sa paanyaya
di nga ba natututo ang pusong nagiisa

Di nga ba’t minsan ng
napaso sa init nya
Di nga ba’t minsan ng
nakisalo sa mga buga
Di nga ba’t minsan ng
napahiya at naiwang tulala
Di nga ba’t minsan ng
iniwan kang nagiisa

Lahat ng ito ay dati ng napagdaanan
sa kalalaro sa gaserang nakaawang
di pa rin ba mabatid ang patutunguhan
o nagbubulag bulagan sa damdaming huwad
na puno ng kapangahasan.

 

image courtesy of wattpad.com

 

Ano ba ang nakatago sa likod ng iyong ngiti
Ano bang sikreto sa bawat paninimdim
Ano bang laman ng iyong mga pighati
Iisang mukha na nga lang ba
—- ang iyong pasakit at ngiti

 

Di na nga ba maiiba at maiiwaksi ang nasayang na sandali.
matatakpan nga ba ng galit ang mga katanungan ng isip
mapapalayas ba nito sa puso ang pagmamahal na kay tindi

O kakaiinin na lang ng lungkot at patuloy na mananahimik…

ang kaulapan sa Binangonan noong kami'y naglalakbay

ang kaulapan sa Binangonan noong kami’y naglalakbay

Numb

Anong pakiramdam ng isang panalo?
ng makamit ang mga inaasam

ng makuha ang tiwala
na walang pagaalinlangan

ng mapatahimik ang kanyang inis
gamit ang isang halik

di nga ba’t kay lakas ng kabog
ang iniwan mo sa kanyang dibdib

kaya nga’t ngayon at ika’y panalo na
maari na bang umamin sa laro at palayain sya?

tanggalin ang maskara ng prinsipeng naituran
bago pa tuluyan nyang malaman ang iyong kalapastanganan.

Pula, ang Kulay ng Abril

Kay rikit at naniningkit

ang liwanag nitong tila nagagalit

namumula at tila naghihimagsik

o baka nama’y naghihinagpis

naninibago na nga ba sa paligid

o baka nama’y pilit lang may winawaksi

nagbabaga na ba ang iyong pagibig

o baka kadunungan lang ang iyong pinababatid.

courtesy of pxwallpaper.com

 

Laro o Langit sa Dilim

image courtesy of weheartit.com

 

 

Sa pag dilat ng mga mata
may mga katanungang  namamalagi
mga bagay na pilit na winawaksi
ito ang mga katanungan matapos ang isang pagniniig..

 

“Sa pag dilat ng mga mata
yayakapin mo ba uli ako sinta
hahaplusin ang kamay na kay pagal
hahalikan ang noo at gigisingan sa isang halik

Sa pagdilat ng mga mata
maaalala mo pa ba ang pangakong naipabatid
magbibigay ba ito ng ligaya o kaguluhan sa isipan
magdudulot ba ito ng kaginhawaan o pasakit

Sa pagdilat ng mga mata
mananatili pa kaya ang init na nadarama
mananalantay ba ang pagsuyong sa dilim nasambit
o magkikibit balikat at tuluyang aalis? .”

 

Sa pag dilat ng mga mata,
dun nga lang tuluyang maiisip
kung isa nga bang langit ang kinahantungan
o impyerno’y hinukay dahil lamang sa tawag ng laman. ..