uncertainty

Dont say it, Cause my heart may not take

courtesy of inspiritoo.com

A sweet conversation of lovers who are not so sure of their feelings.

Thanks again to Chengboiser for dancing this flirty rhyme with me. 😛

Don’t smile so sweetly
because my heart may not take
the sweetness of your lips
makes me yearn and bite my own lips 😉

Dont flirt with me honey
cause my heart may not take
the sweetness of your words
makes this cheeks blush with haste

Dont deny it my baby
cause my heart may not take
the loving we are feeling
is something only the Gods could have gave

Dont rush in sweet robin
cause my heart may not take
this flutter and its dizzy haze
might just die or could be fake

Dont say such words my lover
cause my heart may not take
believe when I said forever
until my life by the heavens will take.

Kahit Sandali, Kahit Ngayon Lang

Paulit ulit na pinakikinggan
isang kantang tumatak sa isipan
lirikong sa puso ay nagpapatunaw
at sa isip ay umaalingawngaw

Mga salitang nais na sambitin
ay pinupukol ng awitin
minsan sa tula nama’y ipinapabatid
‘sang paglinang na hango sa takot at tamis

Takot na sa kaibuturan ay kumikitil
na isang araw ika’y makatagpo
pagibig na sakin di naapuhap
at sa akin tuluyan kang lumayo

Kaya’t nga’t sa ilang buwang pamamalagi
sa taas laging nagbabakasakali
na sana’y tuluyan ng makaalis
sa tindi ng kasabikang di matikis

Araw araw na laang naghihintay
sa tawag ng pangingibambayan
upang puso kong talunan
ay kailanman di mo na mapaglaruan.

Ang kantang tumatak: TADHANA by UP DHARMA DOWN

Pagkamulat

Ligkis ang unan
Nakadapa sa kama
Sisinghot singhot
Tanging bakas ay luha
Marubdub na kataga
Sa labi’y namamayani
Pumupungas sa higaan
Na tila langit ri’y hihikbi
Inis at paglulumo
Sa sarili’y binuyo
Pagka’t sa huli nga’y
Unti ring napagtanto
Lecheng kabobohan
Di pala muntik
At higit pa sa malapit
tiyak , alam na at totoo.
Puso ko’y iyong iyo.