I love you pinas

Isang pagaalay: Sa Boyfrend kong Pinas

image courtesy of newsinfo.inquirer.net

Hindi mo nadinig
ang kanilang mga panaghoy
hindi mo nadinig
ang sigaw ng masang nababoy

Hindi mo nadinig
ang pagpatak ng luha ng isang ina
hindi mo nadinig
ang pagpanaw ng kanilang pagasa

Hindi mo nadinig
ang iyak ng batang nagiisa
hindi mo nadinig
ang pagkalam ng sikmura nila

Ang lahat ng mga ito
kailanman di mo maririnig
pagka’t isa kang bingi at bulag
at TUTA lamang ng mga payaso
Mga buwaya na sumisira
sa binitiwang pangako
ng mga pumanaw na bayani
na di kailanman nagpakagago.

***

Pasensya na masyado lang akong affected sa bf kong minamaltrato